DOH pinaghahandaan ang posibleng pagtaas ng COVID-19 cases kasunod ng mga pagdiriwang ngayong Pebrero
Kasabay ng pagdiriwang ng Chinese New year at iba pang holiday ngayong Pebrero, naghahanda na rin ang Department of Health sa posibleng pagtaas ng COVID-19 cases.
Ayon kay Dr. Alethea de Guzman ng Epidemiology Bureau ng DOH, kabilang sa kanilang inihahandang mabuti ay ang health system capacity ng bansa.
Kung titingnan aniya ang mga numero ng COVID-19 cases na naitatala ng DOH, makikita ang pagbaba ng mga kaso.
Pero may ilang lugar aniya ang patuloy na nakakapagpatala ng mataas na kaso ng virus infection gaya ng Cebu ,Davao at Baguio.
Nilinaw naman ng DOH na bagamat nagkaroon ng pagtaas sa bilang ng kanilang iniulat na nasawi dahil sa virus nitong mga nakalipas na araw, ito ay mga pagkamatay na naitala noong nakaraang buwan pa.
Madz Moratillo