Cardiovascular disease nangungunang sanhi pa rin ng mortality at morbidity kahit na nararanasan ang pandemya ayon sa mga Eksperto
Tuwing sasapit ang Pebrero, ipinagdiriwang ang “Philippine Heart Month.”
Ito ay alinsunod sa Presidential Proclamation #1096 series of 1973.
Layunin ng pagdiriwang ng Philippine Heart Month na maitaas pang lalo ang kaalaman ng publiko kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng mga uri ng sakit sa puso.
Ang mga aktibidad kaugnay ng naturang selebrasyon ay pinangungunahan ng Department of Health at ng Philippine Heart Association o PHA.
Kaugnay nito, nagsagawa ng Heart Month Virtual Media Conference ang PHA na may temang Your Hearts Health, Your Choice.
Sa naturang virtual media conference nagbigay ng lecture si Dr.Elmer LLanes, Chair, PHA Council on Cardiology na dito ang kanyang paksang tinalakay ay ”Minding The cardiovascular Disease Burden: Mending The Gaps and Inequalities” .
Ayon kay Llanes, sa kabila ng pandemyang nararanasan, nangungunang sanhi pa rin ng pagkamatay ng maraming Pilipino ang cardiovascular disease.
“During this time of the pandemic mahirap hong magassume nationwide but from my …ang tawag ko po ay experts opinion or aking nakikita ko quite common pa rin po sa clinic ko pag pumupunta mga patients lalo na mga old patients ko some of them po ay hindi nakakabili ng gamot nagluluko na yung kanilang mga risk factors noh so talagang evident po, tapos ahh… ung mga pumupunta po sa ER namin marami po ngayon mga atake talaga sa puso, stroke, so yun po ang obserbasyon ko that it still continues spite alam natin anjan si covid ahh yung cardiovascular disease hindi po siya talaga nawawala.” – Dr. Elmer Llanes, Chair, PHA Advocacy, Council on Cardiology
Samantala, binigyang diin ng mga eksperto na bagaman nararanasan pa rin ang pandemyang dulot ng covid 19, mahalaga pa rin na nagpapakunsulta sa duktor upang hindi lumala ang anumang nararamdaman.
“So, may mga teleconsult nap o tayong ginagawa ngayon where we know the patients can actually reach us, these are through phones, through computers, so alam po natin, gusto po natin ipadala sa kanila ang mensahe na nandito pa po ang mga duktor, kaya pa po nila tayong ma reach, so that if they have concerns, meron pa po silang pwedeng puntahan lalo na kasi kung minsan si dr google po kung minsan, iba po talaga ang mga ibinibigay nya na advise, mas maganda siguro, they reach out really to doctors” – Dr. Louella Santos, Clinical Associate Professor, Division of Cardiology, UP-PGH
Sinabi naman ni Dr.Orlando Bugarin, PHA President, na nagpapatuloy ang adbokasiya ng PHA na (FIVE-TWO-ONE-ZERO-ZERO} 5-2-1-0-0.
5 – FIVE servings of fruits and vegetables per day,
2 – TWO grams of added salt per day. – TWO hours maximum screen time,
1 – ONE hour exercise per day (or do the 4 minute workout)
0 – ZERO smoking 0 – ZERO sugary drinks.
Bukod sa 5-2-1-0-0 mayroon din silang tinatawag na “Sneakers Friday”, na dito ay kanilang hinihikayat ang bawat isa na magsuot ng rubber shoes o sneakers tuwing Biyernes upang mas ganahan sa paglakad.
Puso ay pangalagaan upang stroke at heart attack sa pandemyang ito ay maiwasan.
Belle Surara