Isang syudad sa US, magbibigay na rin ng COVID-19 vaccine sa mga nasa edad 18
CENTRAL FALLS, RHODE ISLAND, United States (AFP) – Karamihan sa mga bansa ay nagbabakuna lamang sa mga matatanda at healthcare workers, subalit isang US town na grabeng tinamaan ng coronavirus, ang nag-aalok na ring magbigay ng bakuna sa sinumang nasa edad 18 pataas.
Ang Central Falls sa Rhode Island na may naninirahang 20,000 katao, at tahanan ng malaking Hispanic population na karamihan ay undocumented migrants
Ang siyudad ay isa sa pinakamataong lugar sa Estados Unidos, at isa sa mga lugar sa Rhode Island na pinakagrabeng naapektuhan ng pandemya.
Sa maliit na estadong ito sa East Coast, ay inirerekomenda ng kanilang gobyerno na bakunahan lamang ang nasa “high-risk groups” gaya ng frontline workers at mga taong lampas 75 ang edad.
Subalit ang Central Falls ay may sarili nilang paraan, at ito ay ang pagbubukas ng pagkakataon para sa lahat ng adults na mabakunahan.
Ayon kay Mayor Maria Rivera . . . “Everybody that lives or works here is a priority. At the beginning of Covid, there were so many residents that were losing their jobs, and they didn’t have money and they couldn’t apply for benefits. If we don’t fix the problem, where the problem is, we are just going to continue spreading this disease.”
Ang pandemya ay kumalat na parang sunog sa komunidad ng Central Falls, kung saan karaniwan nang naninirahang magkakasama sa iisang bubong ang maraming pamilya.
Ang syudad ay may mahigit sa 66 percent Latino at 13 percent Black.
Ang Central Falls ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng positive cases at hospitalizations sa Rhode Island, kung saan higit sa 3,500 kaso ang napaulat, 21 ang namatay at 190 naman ang na-ospital nitong Enero.
Nang maging available ang mga bakuna noong Disyembre, ang syudad ay nagbigay ng bakuna sa mga lampas 75 na ang edad, pagkatapos ay sa mga lampas 65, bago ito ibinaba sa 50 at sa mga nakalipas na linggo ibinaba pa ito sa 18.
Ang lungsod ay naghahanda nang magbakuna ng nasa 700 doses sa Central Falls High School sa Sabado.
Ang team ni Mayor Rivera ay nagbahay-bahay para tiyakin na maibibigay nila sa mga residente ang lahat ng impormasyong kailangang nilang malaman, kabilang sa mga ito ang Spanish at Cape Verdean Portuguese.
Sinabi naman ni Eugenio Fernandez, Jr., founder ng Asthenis pharmacy, na ito ang kauna-unahang pagbabakuna para sa general public, malamang na kauna-unahan sa buong America.
© Agence France-Presse