62% ng samples na sinuri ng Philippine Genome center mula Region 7, nakitaan ng 2 Mutation of Concern


62% o 31 sa 50 samples na sinuri ng Philippine Genome Center ang nakitaan ng dalawang Covid-19 mutation of concern.

Ayon kay Dr. Cynthia Saloma, Executive Director ng PGC, ang mga mutation of concern na ito ay ang E484K at N501Y.

Ang mga ito ay kabilang aniya sa tinatawag na mutation of concern sa global community at kabilang sa instruction na ibinigay sa kanila ng World Health Organization (WHO).

Nilinaw naman ni Saloma na ang mga pasyente na nakitaan ng sample ng mutation na ito ay nakaranas lamang ng mild symptoms at nakarekober na.

Iginiit naman ni Health Secretary Francisco Duque III na sa ngayon ay hindi pa sapat ang mga datos na kanilang nakakalap para matukoy ang implikasyon ng mutation na ito sa virus.

Dagdag pa ni Duque normal ang mutation sa virus at hindi naman lahat ay nagdudulot ng negatibong epekto dahil minsan ang mutation ay nagpapahina rin sa virus.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng DOH Region 7 ang pinaigting na containment ng virus.

Bagamat kabilang ang rehiyon sa nakitaan ng pagtaas ng covid 19 infections ay nananatiling nasa safe zone umano ang kanilang healthcare utilization rate.

Madz Moratillo

Please follow and like us: