Basurang Nabubulok…Paano Pakikinabangan?

Problema n’yo ba ang nabubulok na basura sa bahay? ‘Yun bang tinatawag na mga kitchen waste…. Alam ba ninyo na pwedeng pwede itong pakinabangan?

Maaari kasi itong gawing compost o kaya naman ay soil conditioner.

Batay sa pag-aaral ng Environment & Biotechnology  Division O EBD ng Industrial Technology Development Institute o ITDI ng Department of Science and Technology o DOST,  ang mga biodegradable waste na nakukuha sa bahay partikular ang mga  kitchen waste gaya ng hiniwang gulay, balat ng sibuyas, balat ng bawang at iba pa ay maaaring gawing compost o soil conditioner.

Sa panahong ito ng pandemya, magagamit natin ang mga kitchen waste sa pamamagitan ng idenevelop ng EBD ng ITDI na tinawag na Household  Tumbling  Composter.

Ayon kay Myra Tansengco ng ITDI-DOST, idinevelop ang Household Tumbling Composter upang mapakinabangan ang bawat biodegradable waste sa bawat kabahayan.

Ipinaliwanag ni Tanseco na ang household tumbling composter ay binubuo ng dalawang drum composters.

Ito ay may mga butas na magsisilbing daanan ng hangin.

Sa ilalim nito ay may discharge tray  upang makolekta ang waste products.

Madali lang gawin ang teknolohiyang ito.

Araw -araw anyang ilalagay ang mga kitchen waste sa composter at ihahalo dito ang mga tuyong materials.

Ayon pa kay Tanseco, ang kanilang idinevelop na composter ay may kapasidad na sampung kilong organic waste.  Maaring kolektahin ang laman nito matapos ang anim hanggang walong Linggo.

Kailangan din na ilagay sa sako ang raw compost at patatagalin ito ng dalawa hanggang apat na Linggo.

Sa mga plantito at plantita, maaari na itong gamitin sa backyard gardening.

Samantala, ano ba ang  mga benepisyo ng paggamit ng household tumbling composter?

Ang mga kitchen waste ay maaaring gamitin para sa backyard gardening.

Nakatutulong ang naturang composter upang maitaboy ang mga pest at insect tulad daga, ipis, langaw at iba pa. Madaling gamitin at i-maintain.

Ang raw materials para sa household composting ay typical composting mixture, na kumbinasyon ng wet at dry waste.

Ang wet waste o “greens” ay ang nitrogen rich sources. Kasama dito ang left over food, vegetable scraps, at balat ng prutas.

Samantala, sa dry waste naman, kabilang dito ang dry yard waste, sawdust, o kaya ay coco coir dust. Ganito gagawin ang household composting …

1.    Ilagay ang organic waste sa HOUSEHOLD TUMBLING COMPOSTER

2.    Alugin ang composter ng hanggang walong beses

3.    Sa ikatlong Linggo, tingnan ang composter at kunin ang mga nasa loob nito

4.    Ilagay sa sako at hintayin ang dalawa hanggang apat na Linggo para sa tinatawag na further maturation ng waste na inilagay sa composter.

5.    Salain ang mature compost para maalis ang malaking particles. Ang nakuhang maliliit na waste ay maaaring gamitin sa backtard gardening.

Kabilang sa mga kagamitan na dapat ihanda sa household composting ay  garden tools, salaan, tray para sa masasala, gloves, mask, heavy duty knife, gunting, chopping board, broomstick at dustpan, personal hygiene supplies tulad ng alcohol at sabon.

Simple lang hindi ba? Sa panahon ngayon na nararanasan pa rin natin ang pandemya, kailangang magkaroon tayo ng mapagkukunan ng karagdagang pagkakakitaan…ang kailangan lang, maging masipag, matiyaga at mapamaraan, at isa ang teknolohiyang ito upang patunayan na may pera sa basura.

logo
Please follow and like us: