Mga mahistrado ng Korte Suprema sumasailalim sa Self-Quarantine; Ika-apat na araw ng Oral Arguments sa Anti- Terror Law petitions, ipinagpaliban
Kanselado ang ika-apat na araw ng Oral Arguments sa mga petisyon sa Anti- Terror law na itinakda bukas, Pebrero 23.
Sa abiso mula sa Office of the Clerk of Court, nakasaad na ipinagpaliban sa March 2 sa ganap na alas-2:30 ng hapon ang susunod na oral arguments.
Sinabi na sinuspinde ang oral arguments dahil sumasailalim sa self-quarantine ang ilan sa mga mahistrado ng Supreme Court bilang pag-iingat sa COVID-19.
Hindi pa natapos ang interpelasyon ng mga Justices sa panig ng mga petitioners noong nakaraang linggo kaya itutuloy ito sa susunod na proceedings.
Muli namang hiniling ng kampo ng mga petitioners na mag-isyu ng TRO ang Korte Suprema matapos arestuhin ng pulisya ang isa sa mga petitioners na pinaparatangan bilang recruiter ng New People’s Army (NPA).
Moira Encina