5.5 – 9.5 Milyong doses ng AstraZeneca vaccines , inaasahang darating sa PHL mula sa COVAX
Aabot sa 5.5 hanggang 9.2 milyong doses ng COVID 19 vaccines ng AstraZeneca ang nakatakdang dumating sa bansa mula sa Covax.
Ayon sa WHO official, ginagawa naman nila ang lahat para mapabilis ang delivery ng bakuna sa ibat ibang bansa kabilang na ang Pilipinas.
Sa ngayon minamadali na rin sa bansa ang pagpapasa ng indemnification law na naging dahilan kung bakit hindi pa mlnaidedeliver dito sa bansa ang COVID-19 vaccines ng Pfizer BioNtech mula sa Covax.
Nilinaw rin ng WHO official na ang indemnification law na ito ay hindi lamang sa Pilipinas ni-require at walang kinalaman rito ang issue ng Dengvaxia.
Kinumpirma ni Abesayinghe na pinag-aaralan na rin ng WHO ang COVID- 19 vaccines ng Sinovac at Sinopharm na kapwa mula sa China.
Kung makakapasa ito sa kanilang ginagawang pag aaral ay makakasama ito sa mabibigyan ng emergency use listing ng WHO.
Madz Moratillo