Bilang ng mga vaccine registrants sa Mandaluyong City, umabot na sa mahigit 34,000

Patuloy na hinihikayat ng Mandaluyong City Government ang mga residente sa lungsod na magparehistro online para sa COVID-19 vaccination.

Sa pinakahuling datos ng city government, kabuuang
34,165 indibidwal ang nagparehistro para sa libreng bakuna kontra COVID-19 sa Mandaluyong City.

Ang mga nais magparehistro ay maaaring pumunta sa www.mandaluyong.gov.ph/vaccine para sa online pre-registration.

Noong Enero binuksan ng lokal na pamahalaan ang registration para sa isasagawang maramihang pagbabakuna laban sa COVID.

Ipinapatupad din sa lungsod ang paggamit ng contact tracing app na MandaTrack na bahagi ng mga hakbangin ng city government para malabananan ang COVID at mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente.

Nasa 100 pa ang aktibong kaso ng COVID sa Mandaluyong batay sa pinakahuling bilang ng LGU.

Moira Encina

Please follow and like us: