Intervention ng DEPED para hindi magkaroon ng learning classes habang wala pang face to face inalam ng Senado
Binubusisi ngayon ng Senado ang kalidad ng ginagawang distance learning dahil sa nararanasang pandemya.
Ang hakbang ng Committee on basic education ay dulot ng ginawang pagbasura ng Pangulo sa mga rekomendasyon na masimulan ang face to face classes sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID 19.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian na Chairman ng komite sa pag-aaral ng movement for safe equitable quality ad relevant education, lumitaw na 53 percent ng mga student respondents ang nagsabing hindi sila siguradong matutunan ang aralin na angkop sa kanilang grade level.
Dahil ipinagpaliban aniya ang face to face classes, kailangang magkaroon ng hakbang sa maaring longterm effect nito sa mga estudayante at matiyak na hindi magkakaroon ng learning crisis.
Kailangan aniyang matiyak na natututo ang mga mag-aaral sa kabila ng bagong sistema ng edukasyon.
Meanne Corvera