MOA signing para sa Organic Agriculture, isinagawa sa Bulacan
Pormal na lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang tatlong samahan ng mga magsasaka para sa proyekto ng Institute of Environmental Governance na Fostering Robust Organic Agriculture Sustainable Technology (FROAST).
Ang Briquettor Association of the Philippines Inc.; IPs Asean at Munting Paraiso ni Yoly Farm, ay lumagda sa MOA para sa kanilang partnership sa Bulacan State University (BulSU), College of Science (CS) at College of Business Administration (CBA).
Layunin ng partnership na isulong at isagawa ang organic agriculture sa Bulacan.
Ang MOA signing ay pinangunahan ni BulSU President Dr. Cecilia Gascon.
Nakapaloob din sa MOA, ang pagsasagawa ng Provincial Organic Agriculture Congress.
Layunin ng FROAST na gawing mahusay ang organikong pagtatanim ng mga kasapi ng farm associations, sa pamamagitan ng pagsasanay upang makaani ng mga organikong produkto.
Bibigyan din ang mga samahan ng farming tools sa kanilang pagsisimula ng pagtatanim sa organikong paraan at magtatayo rin ng Organic Trading Post (OTP), upang matiyak na may pagdadalhan ng mga organikong aanihin at produkto.
Ulat ni Dhen Mauricio Clacio