Paggastos ng Intel funds ng PDEA at PNP, uungkatin sa pagdinig ng Senado
Nais ni Senador Risa Hontiveros na ungkatin sa pagdinig ng Senado kung paano ginagastos ang Intelligence fund ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ito ay kausnod ng madugong engkuwentro sa isang mall sa Commonwealth Avenue, Quezon City kung saan dalawang pulis at dalawang PDEA agent at informant ang namatay.
Ayon kay Hontiveros, napakalaki ng pondo ng dalawang ahensya na kung ginamit aniya sa tama ay naiwasan ang madugong bakbakan.
Katunayan, ngayong 2021 lamang ay umabot na sa 856 milyong piso ang pondo ng PNP para sa Intelligence habang 500 milyong piso naman sa PDEA.
Nais mabusisi ng Senador kung paano nangyari na ang mga pulis at PDEA rin ang nagka-transaksyon at kung totoo ang ulat na nagkaroon ng Sell-Bust sa kapwa Law Enforcers ng gobyerno.
Sa Martes, nakatakdang imbestigahan ng Senado ang nangyaring engkuwentro kung saan ipatatawag ang mga opisyal ng PDEA at PNP.
Meanne Corvera