Hyper realistic artworks, gawa ng isang dating naglalako ng pandesal sa Pangasinan
Hindi iisipin ng sinomang makakikita na bukod sa gawa ng isang young artist, ay ipininta ang mga larawang tila litrato na kinunan gamit ang isang camera.
Sa katunayan ay mas malinaw pa ang detalye nito kumpara sa kuhang larawan mula sa isang camera.
Ito ang mga painting na ipinagmamalaki ng isang Pinoy Artist na si Emel Espiritu mula sa Nueva Ecija.
Ang tawag sa kaniyang mga likha ay “hyperrealism,” o mga drawing at painting na lubhang makatotohanan ang itsura.
Kung mapapansin, halos lahat ng painting ni Emel ay may temang “lolo” at “lola.”
Aniya, simbolo ito ng reyalidad o ang totoong nangyayari sa isang tao habang lumilipas ang panahon. Ang pagtanda.
Detalyado ang pagkagawa, parang totoo, ang mga mata ay tila nanlalabo dahil sa katandaan, maging ang pores at wrinkles ay tunay na tunay kung titingnan.
Si Emel na dating nagtitinda ng pandesal ay isa na ngayong fulltime artist.
Aniya, hindi siya natapos ng kolehiyo dahil hindi niya nagustuhan ang kanyang kurso, kaya pinagtuunan na lamang niya ng pansin ang pagpipinta.
Ulat ni Grace Bermal