Medical Mission at Blood Donation Activity, isinagawa sa bayan ng Urbiztondo
Naging matagumpay ang Medical Mission at Blood Letting Activity, na pinangunahan ng LGU-Urbiztondo at Scouts Royal Brotherhood (SRB) katuwang ang Philippine Army at Philippine Red Cross, na ginanap sa Urbiztondo Sports Complex sa Pangasinan.
Mula sa iba’t Ibang sektor ng lipunan ang nakinabang sa libreng konsulta at libreng gamot para sa mga bata at matatanda, hatid serbisyo ng medical team ng 5th Field Artillery Batallion ng Philippine Army.
Humigit kumulang limampung 50 bag naman ng dugo ang nalikom mula sa blood donors, na a g ilan ay mga empleyado ng LGU-Urbiztondo, mga miyembro ng Riders’ Club, at walk-in donors na nakipagkaisa sa nasabing aktibidad.
Sa isang maikling programa, pinasalamatan ng alkalde ng bayan na si Mayor Martin Raul Sison II, ang lahat ng organisasyon at personalidad na nasa likod ng matagumpay na aktibidad, partikular na ang nasa hanay ng Philippine Army na nagmula pa sa Camp Mateo Capinpin, Tanay, Rizal at Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija.
Pinasalamatan din niya ang Philippine Red Cross Dagupan Chapter , Scouts Royal Brotherhood (SRB) at Riders’ Club mula sa iba’t ibang bayan ng Pangasinan.
Ang mga nalikom na dugo ay nakatakdang i-imbak sa Phlippine Red Cross Dagupan City Chapter, upang makatulong sa mga residente ng bayan ng Urbiztondo, na maaaring mangailangan ng dugo sa panahon ng emergency.
Ulat ni Scarlyn Hermogeno