Freeze Drying Technology, Narinig mo na ba?
Malulutong na gulay at prutas, natikman mo na ba? kung hindi pa, ito na ang pagkakataon para malaman mo kung paano maging crunchy ang gulay at prutas.
May na develop na teknolohiya ang DOST- Industrial Technology Development Institute o ITDI na ginagamitan ng mataas na temperatura para ma-preserve ang mga naturang produkto. Ang tawag dito ay freeze drying technology.
Ang freeze drying technology ay isang makabagong innovation para upang lutuin ang pagkain sa mas mababang pressure.
Kakaunting mantika lang ang kailangan kapag ipiprito ang raw foods, ibig sabihin mas mababa ang oil absorption nito kumpara sa regular frying na karaniwang ginagawa.
Kahit dumaan sa freeze drying technology ang pagkain, hindi dapat mag alala dahil may kakayahan itong mapanatili ang kulay at sustansyang taglay ng pagkaing ipiprito sa freeze drying technology.
Malaki ang maitutulong sa performance at productivity ng mga nasa macro, small, at medium enterprises.
Kaugnay nito, sinabi ni Ms. Emelita Bagsit, ang Officer in Charge sa DOST-CALABARZON at Chief, Science Research Specialist na may pinasimulan ding freeze drying technology ang dating Regional Director ng DOST –CALABARZON na si Dr. Alexander Madrigal.
Kasama din sa paglulunsad ng technology ang Department of Trade and Industry Region 4-A, Association of Laguna Food Processors o ALAP, at Laguna State Polytechnic University.
Ating napag-alaman na ang naturang technology ay inimport pa sa Thailand dahil ito ay commercial scale technology, ibig sabihin maaari nila itong i-showcase sa kanilang partners na magbubunga sa hinaharap na kapakinabangan para sa mga nasa larangan ng macro small and medium enterprises.
In terms of drying, mas mataas ang drying capacity ng mga pagkain o ng raw materials at food products dahil nasa mahigit na 90 porsiyento ng water content ay maaalis o matutuyo.
Bagaman may kamahalan, marami ding advantages ang ibinibigay ng freeze drying technology.
Kapag ang technology na ito ang ginamit sa pagkain, mas matutuyo ang food products, at pag mas tuyo, mas matagal ang shelflife nito.
Sa mga pananaliksik, kapag madami ang moisture content ng raw materials o food products, mas pinamumugaran ito ng maraming bacteria at micro organism na nagiging sanhi ng madaling pagkasira o pagkabulok ng pagkain.
Kabilang sa mga pagkaing maaaring gamitan ng freeze drying technology ay prutas at gulay na tulad ng saging, mangga, pinya, durian, langka, papaya, okra, carrot, sitaw, kangkong at maraming iba pa.
Bukod sa nabanggit, maaari ring i-freeze dry ang tahong, pusit at crablets.
Take note, hindi mababago ang lasa ng mga nasabing pagkain kahit na ito ay dumaan sa nabanggit na technology. Hindi rin magdudulot ng pinsala sa kalusugan bagkus makatutulong pa nga, dahil, hindi makakakunsumo ng mantika na dagdag na fats at calorie content na nakukuha sa karaniwang mantika na ginagamit kapag nag piprito.
Kaya, tara na, halina at tikman ang pinalutong na gulay at prutas sa pamamagitan ng freeze drying technology and experience the difference!