Bagong enlisted personnel ng Philippine Army Bulacan 304th Ready Reserved Infantry Battalion, nanumpa na
Malugod na tinanggap at itinalaga kasabay ng panunumpa, ang mahigit isang daang mga bagong laang kawal o enlisted personnel ng Bulacan 304th Ready Reserved Infantry Battalion (RRIB) ng Philippine Army, kasabay na rin ang paggawad ng parangal sa 60 bagong hirang na mga opisyal.
Ito ay ginanap sa San Rafael, Bulacan sa pangunguna ni LTC. Alberto J. Valenzuela, battalion commander ng Bulacan 304th RRIB.
Binigyang-diin ni Valenzuela ang kahalagahan ng pagiging enlisted personnel, laluna kung may banta laban sa bansa, at sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Sa aktibidad ay mahigpit na ipinatupad ang health and safety protocols, gaya ng pagsusuot ng face mask maging ang social distancing.
Ayon sa isang guro mula sa isang pampublikong paaralan na si Ricky Navarro, nagpasya syang maging enlisted personnel sa Phil. Army, upang maibahagi nya sa kanyang mga mag aaral lahat ng kanyang matutunan, higit sa lahat ay makapaglinkod sa bansa laluna kung may mga kalamidad.
Ulat ni Nori Fidel