Mass Blood Donation, matagumpay na naisagawa sa Diffun, Aurora
Matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang Mass Blood Donation para sa unang quarter ng 2021, na ginanap sa Diffun, Aurora.
Ito ay sa inisyatibo ng Diffun Blood Council (DBC) at pangunguna ni Chairman at Punongbayan May Garnace-Calaunan, sa pakikipagtulungan na rin ng Philippine Red Cross-Quirino Chapter at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng regular blood donors mula sa iba’t ibang barangay, mga kasapi ng Philippine Army, Philippine National Police, Sangguniang Kabataan, barangay at municipal officials.
Target ng blood council na makalikom ng animnapung (60) blood bags para sa unang quarter, subalit dahil sa aktibong kampanya at suporta ng mga mamamayan ay nakalikom ng animnapu’t siyam (69) na blood bags ang DBC, na ngayon ay nakalagak sa otorisadong blood bank ng lalawigan at nakatakdang ipamahagi ng libre sa mga mangangailangan.
Masaya ring umuwi ang mga nag-donate ng dugo, dahil sa blood donor shirt na ibinigay sa kanila bukod pa sa palit-pamasaheng ayuda mula sa lokal na pamahalaan.
Ulat ni Edel Alla