Higit 20 milyong katao sa UK, nabigyan na ng unang dose ng COVID vaccines
LONDON, United Kingdom (AFP) — Inanunsyo ng Britanya na higit 20 milyong katao na ang nabigyan ng coronavirus vaccine, sa pinabilis na vaccine program.
Ang Britain ang bansa sa Europe na may pinakamataas na bilang ng mga namatay.
Tinawag ito ni Prime Minister Boris Johnson na isang “huge national achievement,” habang pinuri naman nito ang National Health Service staff at iba pang sangkot sa vaccine rool-out.
Ang anunsyo ay ginawa ni Health Secretary Matt Hancock, sa isang video message sa kaniyang Twitter, na sinasabing . . . “I’m absolutely delighted that over 20 million people have now been vaccinated.”
Kabuuang 20,089,551 katao ang nabigyan na ng first dose, ayon sa government figures na inilabas nitong Linggo.
Sa kalagitnaan ng Pebrero, ay nakuha na ng UK ang target ng gobyerno na mabakunahan ang 15 milyong “most vulnerable people.” Nabigyan na ang mga ito ng first dose ng bakuna.
Ayon sa gobyerno, plano nilang mabakunahan na ang buong adult population sa pagtatapos ng July.
Sinabi ni Hancock . . . “I want to thank every single person who has come forward to get the jab,” calling this “the route out of this for all of us. There’s a long way to go but we’re making big strides.”
Naging mabilis ang vaccination programme ng UK mula nang mag-umpisa ito sa mga unang bahagi ng Disyembre, nang ito ang maging kauna-unahang bansa sa buong mundo na nagsimula ng “mass innoculation” gamit ang isang fully trialled vaccine.
Ang bansa ay nasa ilalim pa rin ng national lockdown ngunit ang daily cases, hospitalisations at kaso ng mga namatay ay malaki ang ibinaba mula sa mga huling bahagi ng Enero ngayong taon, sa kabila ng paglitaw ng isang mas makahahawang variant.
Nitong Huwebes ay binawasan ng isa ng Britain ang kanilang virus alert level mula sa pinakamataas, sa pagsasabing nabawasan na ang banta sa National Health Services matapos bumaba ang mga kaso ng sakit.
© Agence France-Presse