Vaccination rollout sa Pasig City General Hospital, sinimulan na rin; Mahigit 100 Staff at Medical frontliners, target mabakunahan ngayong araw
Limang matataas na opisyal ng Pasig City General Hospital ang unang nagpabakuna ng Sinovac vaccine.
Ito’y matappos simulan sa lunsod ang Vaccination rollout kaninang umaga.
Ang mga unang nagpabakuna ay sina Dr. Nerissa sabarre, head ng Covid-19 Referral facility; Dr. Ian Anthony Castro, Dra. Karla Kristel Banares at mga head nurse na sina Bernadette Bajit at Brenda Lizardo.
Maliban sa kanila, nakatakdang bakunahan ngayong araw ang nasa 114 na mga staff at medical frontliners ng PCGH at 35 iba pa mula sa Pasig Children’s Hospital.
Ayon kay Paisg City Mayor Vico Sotto, ang pagbabakuna ay isang magandang simula para sa unti-unting pagbangon sa epekto ng Pandemya.
Handa aniya siyang magpabakuna pero sa ngayon ay hindi siya kasama sa mga priority o mga Medical frontliners.
Deserve aniya ng mga Medical frontliners na maunang magpabakuna bilang pagkilala sa kanilang ipinamalas na katapangan sa paglaban sa Covid-19 at upang maprotektahan sila sa pagkalat ng Pandemya.
Samantala, dumalo rin sa symbolic vaccination program si Testing Czar Vince Dizon na nauna nang nagpabakuna ng Sinovac kahapon.
Sinabi ni Dizon na wala naman siyang nararamdamang anumang side effects ng bakuna at maayos naman ang kanyang pakiramdam.
Meanne Corvera