Mga kaso ng UK variant at iba pang mutation of concern sa bansa naragdagan rin
Iniulat ng Department of health o DOH na sa 87 ang kaso ng UK variant sa bansa.
Ito ay matapos na may 30 bagong kaso ng UK Variant na natukoy ang Philippine Genome Center sa kanilang ginawang sequencing.
Sa 30 karagdagang kaso na ito ang 20 ay returning OFWs, 3 ang local cases, habang ang 7 ay bineberipika pa.
Ang 20 Returning OFWs na ito ay mula sa Middle East, Singapore, at estados unidos na dumating sa bansa mula Enero 20 hanggang Pebrero 16.
Ang 13 sa kanila ay asymptomatic active cases habang ang 7 ay nakarekober na Ang 3 local cases naman ay mula sa Cordillera Administrative Region.
Ang 1 ay active case pa at naka admit sa ospital, ang 1 ay nakarekober na at ang isa ay nasawi.
Patuloy naman ang imbestigasyon kung may kaugnayan ang 3 bagong local cases na ito sa dating kaso ng UK Variant na natukoy sa rehiyon.
Madz Moratillo