13 adverse events naitala ng DOH sa unang araw ng vaccine roll out
Bagamat may mga naitalang adverse events matapos ang unang araw ng vaccination program ng gobyerno, nilinaw ng Department of Health na ang mga ito ay minor lamang.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, 13 adverse events ang kanilang naitala mula sa mga binakunahan sa ibat ibang ospital na pinagsagawaan ng vaccination program.
May 7 na tumaas ang presyon, ang 7 ay sumakit ang braso yung injection site, yung 1 nakaranas ng pangangati ng braso rashes, yung 1 pananakit ng ulo at yung 1 nauseous o nasusuka.
Sa mga ito, wala aniyang na admit sa ospital at lahat matapos obserbahan ay nakauwi rin sa kani kanilang bahay.
Kuntento naman ang DOH sa naging resulta ng vaccine roll out na ngayon ay nasa ikalawang araw na.
Ayon kay Vergeire, mga COVID 19 vaccine ng Sinovac at Astrazeneca ang ituturok sa healthcare workers.
Madz Moratillo