Mas marami pang eskuwelahan sa Italy, ipinasara dahil sa pagdami ng kaso ng UK variant
ROME, Italy (AFP) — Ipinag-utos ng bagong gobyerno ng Italya ang pagpapasara sa mas marami pang eskuwelahan, matapos lumitaw sa datos na karamihan sa mga kaso ng COVID-19 ay ang British variant na mas nakahahawa.
Lahat ng paaralan na nasa “highest risk regions” ay magpapatupad na ng distance learning sa ilalim ng mga bagong panuntunan na magkakabisa simula sa Sabado, kung saan noong una ay secondary schools lamang na nasa tinatawag na red zones ang ipinasara.
Batay naman sa isang kautusan na magtatagal hanggang April 6, may bagong kapangyarihan na rin ang regional authorities na magpasya kung sususpendihin ang face-to-face teaching, sa mga lugar na sakop ng “lower risk orange and yellow regions.”
Lumitaw sa bagong data mula sa national ISS health institute, na 54 percent ng coronavirus cases sa Italy ay ang tinatawag na British variant,na ikinukonsiderang higit na nakahahawa.
Ayon kay Health Minister Roberto Speranza . . . “The British variant has a particular ability to penetrate the younger generation. This has led us to make a choice, which is that school of all levels in red zones will be distance learning.”
Sa ilalim ng pinakahuling klasipikasyon, dalawa lamang sa 20 rehiyon ng Italy ang red, ito ay ang Basilicata at Molise na nasa timog. Ang Lombardy, na kbinubo ng mga syudad ng Milan, Marche at Piedmont ay orange.decree
Nang siya ay manumpa nitong nakalipas na buwan, ipinangako ng bagong Prime Minister na si Mario Draghi, na gagamitin ang lahat ng paraan para harapin ang pandemyana ikinasawi na ng halos 100,000 katao at nakaapekto na rin sa ekonomiya.
Nitong Lunes ay itinalaga ni Draghi, na dating European Central Bank (ECB) chief ang isang senior military officer para pangasiwaan ang coronavirus crisis, sa katauhan ni General Francesco Paolo Figliuolo, na siyang pumalit sa negosyanteng si Domenico Arcuri bilang special commissioner for the health emergency ng Italya.
Nakapalood din sa bagong kautusan ang pagpapalawig sa travel ban sa pagitan ng mga rehiyon sa Italya hanggang sa March 27.
Gayunman, papayagan nang magbukas ang mga teatro at sinehan mula March 27 sa yellow zones, ngunit 25 percent lamang ang capacity, habang ang museums ay papayagan namang magbukas hindi lamang tuwing weekdays kundi maging tuwing Sabado.
Inihayag din ng gobyaerno ang bagong “white zone” kung saan ang ilang buwan nang umiiral na nationwide restrictions sa mas maraming lugari ay aalisin na, gaya ng 6:00pm closure ng table service sa bars at restaurants.
Tanging ang isla pa lamang ng Sardinia ang nasa ilalim ng white zone simua nitong Lunes, at pinili ng mga awtoridad doon ang “phased reopening.”
© Agence France-Presse