Mga batang lalahok sa limited face to face classes, half-day lang papapasukin sa mga eskwelahan – Deped
Half-day lamang papayagang pumasok sa eskwelahan ang mgab ata sakaling aprubahan ang pilot test ng Face to Face classes.
Ito ang tiniyak ng Department of Education sa mga Senador sa pagdinig sa isyu ng posibleng pagdaraos ng limitadong face to face classes.
Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, ito ay para hindi na kailangang kumain ng lunch ang mga bata.
Sa pagkain aniya kas ay mas malaki ang panganib ng hawaan at pagkalat ng virus.
Education USEC. Nepomuceno Malaluan:
“Because our decision is for learners to take their meals, their lunch at home rather than at school because it’s in the setting of taking their meals that some of the risks are increased. So the students will have to go home—if their schedule is in the morning, to have their lunch at home or those that are coming for an afternoon schedule should have eaten already their lunch at home”.
Sa plano ng Deped, 50 eskwelahan lamang sa bawat rehiyon ang papayagang lumahok sa pilot testing.
Sampu hanggang 20 bata lang ang papayagang pumasok sa mga classroom depende sa laki nito para masunod ang Physical Distancing.
Sinabi pa ni Malaluan na nakalatag na ang iba pa nilang guidelines para sa face to face classes pero na kay Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang huling pasya ukol dito.
Meanne Corvera