Inflation rate noong Pebrero tumaas pa
Bumilis pa ang pagtaas ng inflation o presyo ng mga pangunahing bilihin nitong Pebrero na pumalo na sa 4.7 percent kumpara sa 4.2 percent noong Enero ng taong ito.
Ayon kay USEC Dennis Mapa ng Philippine Statistic Authority, ito na ang naitalang pinakamataas na inflation mula noong Enero ng 2019.
Itoy dahil sa mataas pa rin na presyo ng karne, partikular na ang baboy na umabot sa 20.7 percent mula sa dating 17.1 percent.
Habang ang presyo ng isda gaya ng dilis ay umabot na sa 5.1 mula sa 3.7 percent noong enero at gulay tulad ng repolyo na umabot sa 16.7 percent.
Nakapag ambag rin ang paggalaw ng presyo ng bigas na nakapagtala ng point five percent.
Nakaapekto rin sa inflation ang sektor ng transportasyon na umabot sa 10.4 percent dahil sa mabagal na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo .
Nakadagdag din sa inflation ang presyo ng housing, water at electricity rate.
Tumaas rin ang goods ang services sa mga restaurants, barbershop.
Bahagya namang bumagal ang inflation sa metro manila na umabotbsa 4.1 percent mula sa 4.3 percent noong enero.
Katulad noong Enero 2021, ang Region II ang siyang may pinakamataas na inflation sa mga rehiyon na nasa labas ng National Capital Region nitong Pebrero 2021.
Ito ay may 7.9 percent inflation nitong Pebrero 2021, mula sa 8.0 percent inflation noong Enero 2021.
Meanne Corvera