Compact Water Waste Treatment

logo

“Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran?
Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin.”

Naaalala pa ba ninyo ang awiting ito noong dekada 70  na inawit ng grupong Asin?

Makahulugan at makabuluhan hindi ba?

Ang ating artikulo sa araw na ito ay may kaugnayan sa awiting nabanggit. 

Ikaw ba yung taong mahilig kumain sa mga tinatawag na quick service o Q-S-R restaurants o popular na fast food restaurants?

Isa ito sa sinasabing fastest growing business na laganap sa kahit na saang panig ng mundo.

Sa Pilipinas, kahit saan ka magpunta, may makikita kang Q-S-R  o fast food restaurants.

Gusto ito ng publiko dahil mabilis ang serbisyo, masarap kumain kasi mainit at fresh from the stove ika nga ang ihahaing pagkain, maging ang mga bata, ay ito ang pagkaing gustong gustong kainin.

Para sa mga kababayan naman natin na wala nang oras na magluto dahil sa kanilang trabaho, convenient ang fast food restaurants para sa kanila.  Bukod dito, accessible pa. 

Ang nakalulungkot, kaakibat ng paglago ng naturang industriya, nakapagdudulot naman ito ng masamang epekto sa kalusugan, kalikasan at kapaligiran.

Ito ay dahil ang waste materials na nakukuha sa  quick fast food restaurants ay nagiging sanhi ng pagdumi ng ilog at at iba pang anyong tubig.

Para ito ay mabigyang solusyon, nakapagdevelop ang DOST-ITDI ng isang compact waste water treatment system na idenisenyo para matulungan ang mga nasa larangan ng quick service restaurant.

Sinabi ni Engr. Rey Esguerra, Chief ng Environmental and Biotechnology Division ng ITDI, ang mga QSR ang madalas na panggalingan ng waste water. Anya, bagaman, bahagi ng pag unlad ng isang bansa ang pagdami ng mga establsihment na dito ay kabilang ang mga fast food restaurant, nakalulungkot na nagiging sanhi ito ng polusyon sa hangin at maging sa katubigan.

Ganito ang nakasaad sa nabanggit sa itaas na lyrics…

“hindi na masama ang pag unlad, at malayu-layo na rin ang gating narating, ngunit masdan mo ang tubig sa dagat, dati’y kulay asul ngayo’y naging itim.”

Sinabi din ni Esguerra na matagal nang problema ang waste water na galing sa mga fast food restaurant. 

Kaya naman sa pamamagitan ng waste water treatment system, matutulungan ang mga nasa QSR upang mabawasan ang maruruming tubig na napupunta sa mga ilog at iba pang anyong tubig, magagamit pa uli ang treated water na ginamitan ng compact water treatment system.

Ayon pa kay Esguerra, hindi rin ito ganung kamahal, at kahit sa maliit na espasyo lang ay pwede itong ilagay, dahil ang proyektong ito ay talagang nakaukol para sa mga fast food restaurant. 

Ipinaliwanag ni Esguerra na ang compact water waste treatment system ay may kakayahang makapagbawas ng level ng polusyon sa waste water.

Sabi pa niya, ayaw nating masira ang environment para may maenjoy pa ang mga susunod na henerasyon. 

Tunay nga na masarap ang mga pagkain sa fast food restaurants, kaya, ang paalala ni Esguerra, maging responsable sa pagtatapon ng waste water  upang kalikasan at kalusugan ay mapangalagaan.

Sa huli, sa lyrics pa rin ng awiting nabanggit “bakit hindi natin pag isipan, ang nangyayari sa ating kapaligiran”.

Please follow and like us: