Wildlife ambulance, ipinagkaloob ng USAID sa DENR
Nakatanggap ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng isang wildlife ambulance mula sa United States Agency for International Development (USAID).
Ito ay bilang paggunita sa World Wildlife Day at upang mapalakas ang wildlife rescue and rehabilitation efforts ng gobyerno ng Pilipinas.
Ayon sa US Embassy, ang donasyon ay bahagi ng Php1.2-B Protect Wildlife Project ng USAID.
Ang nasabing wildlife ambulance na kauna-unahan sa bansa ay makatutulong sa National Wildlife Rescue and Research Center ng DENR para mapagbuti ang response time sa panahon ng wildlife rescue and retrieval at makapagbigay agad ng on-site care sa mga sugatan at trafficked wildlife.
Ito ay specially designed vehicle na may furnished cabinets para sa veterinary at wildlife handling equipment, collapsible veterinary examination table at seats, at roof rack para sa pagbiyahe ng animal crates, ladders, at iba pang equipment para sa wildlife rescue.
Itinurnover din ng USAID ang WILDBase na isang centralized online system para sa recording at monitoring ng rescued wildlife, gayundin ng medical records, inventory at iba pang impormasyon para sa rescue center operations.
Moira Encina