Mas mahigpit na health protocol ipatutupad sa Maynila kasunod ng tumataas na COVID- 19 cases
Kasunod ng tumataas na kaso ng COVID- 19 , ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno ang mas mahigpit na seguridad sa Lungsod.
Kaugnay nito pinulong ng alkalde ang lahat ng opisyal ng mga ahensya sa Lungsod kabilang ang Manila Police District.
Sa nasabing pulong, mahigpit ang direktiba ni Mayor Isko sa MPD na palakasin ang presensya ng mga pulis at tiyaking nasusunod ang health protocols.
Pero paalala ng alkalde sa pagpapatupad ng health protocols ay dapat maging magalang parin ang mga pulis.
Ang Manila Traffic and Parking Bureau naman inatasan na magdeploy ng COVID-19 safety marshals para tumulong sa MPD.
Kung kinakailangan naman, sinabi ni Mayor Isko na handa silang magpatupad muli ng lockdown.
Kaugnay nito, binigyang awtorisasyon ng alkalde ang Manila Barangay Bureau para sa awtomatikong paglockdown ng barangay kung tumaas ang COVID-19 cases sa partikular na lugar.
Madz Moratillo