Matinding init, ibinabala ng Pag-Asa kapag opisyal nang pumasok ang panahon ng Tag-init
Bagamat ramdam na sa malaking bahagi ng bansa ang mainit na panahon, hindi pa opisyal na pumapasok ang panahon ng tag-init.
Paliwanag ni Dr. Esperanza Cayanan, Chief of weather division ng Pag-Asa DOST, mayroon pang umiiral na Amihan o Northeast Monsoon sa Hilagang bahagi ng Luzon.
Gayunman, ngayon pa lamang ay nagbabala na ang weather official sa publiko ng extreme weather condition o mainding init ng panahon na posibleng maranasan.
Karaniwan kasi tuwing buwan ng Mayo nararanasan ang matinding init ng panahon kung saan pumapalo sa 40 degree celsius ang maximum temperature sa Cagayan Valley habang 37 hanggang 38 degree celsius naman sa Metro Manila.
Dahil dito, pinag-iingat ang publiko sa maaaring maging epekto ng matinding init ng panahon.