The Power of Ngiti
Hello guys, kuwentuhan tayo over my cup of tea! Turmeric na tsaa naman ang ating tikman, pinulbos na luyang dilaw na mas masarap kung ito ay sariwang luyang dilaw na pinakuluan sa katamtamang apoy. Haluan ng kaunting honey at lemon para sa masamyong amoy. Pampalakas ng respiratory system. Ang tsaa ay isa sa international beverages na kahit saan kayo pumunta ay meron nito.
Pag-usapan natin ang pagngiti. Alam ba ninyo na ang simpleng ngiti sa ating mga labi ay may kapangyarihang taglay tulad sa pag-ibig, na hindi kayang maipaliwanag. Ang dalawang tao na nuon lamang nagkita, nag usap ng ilang sandali at nabighani na sa isa’t isa (love at first sight). Ang ngiti na bahagyang nakita sa ating mukha ngunit nagbigay ng magandang impresyon sa iba. Ngiti na makapagpapalambot sa dating matigas na damdamin, na sa isang matamis na ngiti ay nagbigay ng mensahe ng pakikipagkasundo na dating kaalit.
Ngiti, na kung naiukol sa isang maralita ay magbibigay ng pakiramdam na may halaga pa pala siya sa ibang tao. Ang pagngiti ay may lasting impact kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay napangiti ka sa isang hindi kakilala o estranghero. Sa isang opisina o pagawaan, ang ngiti ay isa sa mahalagang tulay ng pakikipag kapwa kahit walang pag-uusap o komunikasyon na nangyayari. May mga tao din tayong nakikita o naoobserbahan, ang kanilang ngiti ay naka ukol lamang sa mga kaibigan, sa kanilang sirkulo sa lipunan. Kung magkaminsan sa hindi inaasahang pagkakataon, napangiti siya ng sapilitan, ang kinalabasan ay hindi kanais-nais na ngiti, maaaring mapakla (absurd) at maihahalintulad pa sa ngiti ng aso. Tugma sa kasabihang “ngiting aso” Ang walang atubiling magandang ngiti ay senyales din para gawing komportable ang kausap mo upang pumasok ang isang importanteng ideya o idea at maging matagumpay ang resulta ng usapan, lalo kung may kinalaman sa negosyo.
May biblical verse na …. faith could move mountains. May isa pang kasabihan…. A smile could launch a thousand ships. O di ba? isang ngiti pero pwedeng makapag pakilos ng mga imposibleng bagay. A good natured smile can do wonders ika nga. Sa isang banda, may tao kayang hindi marunong ngumiti? Sa literatura, sa renaissance era ang italyanong pintor si Leonardo da Vinci, ang kanyang obra maestra na Monalisa ay hinangaan sa buong mundo dahil sa sinasabing perfect smile ni Mona Lisa. Pero sa katotohanan ng ipinta niya si Mona Lisa ay nasa panahon ng kalungkutan. Ipinagluluksa niya ang pagkamatay ng kaniyang pangalawang baby girl, kaya siya ay naka-belo ng itim, o transparent black. Ang mga songwriter mga poet ay paborito nilang ipaksa sa kanilang sining si Mona Lisa dahil sa kanyang ngiti.
Si Mona Lisa ay hindi kathang isip ni Leonardo Da Vinci. Sa tunay na buhay si Mona Lisa ay si Monalisa del Giocondo. Asawa s’ya ni Francesco del Giocondo, isang Florentine at silk merchant sa Pransya. Sa kasaysayan, apat na taong inupuan ito ni Monalisa. Kaya guys, mga kaibigan tandaan na ang ngiti ay katutubo sa ating mga labi, sa ating mukha. Huwag mo itong pigilan, kung may udyok ang iyong utak na ngumiti. Ang ngiti ay simbolo ng kabutihan at kababaang-loob para sa masaya at pagkakaroon ng magandang relasyon sa kapwa tao kahit saan ka man magpunta. Ang ngiti, kung ikaw man ang tumanggap ng ngiti ay nakakapagpaliwanag ng kapaligiran, nakapagpapagaan ng damdamin. Hay naku, malamig na ang ating tsaa, better served pa naman ito kung mainit o kaya’y maligamgam. Lagyan na lang natin ng yelo para cold iced tea. Hanggang sa susunod, anoman ang inyon ginagawa, ay goodluck sa inyo!