Ban sa mga manggagaling ng UK, Brazil at South Africa pinalawig pa ng Spain
MADRID, Spain (AFP) – Pinalawig pa ng Spain ang ban sa mga darating mula sa Britain, Brazil at South Africa hanggang sa katapusan ng Marso, para maiwasan ang pagkalat ng bagong coronavirus strains.
Tanging ang legal residents o nationals ng Spain at kapitbahay na micro-state ng Andorra lamang, ang kasalukuyang pinapayagang makapasok lulan ng flights na galing sa mga nabanggit na bansa.
Ang restroksyon sa arrivals galing Britain ay ipinatupad sa pagtatapos ng Disyembre ng nakalipas na tapn, para mapigilan ang pagkalat ng lubhang nakahahawang COVID-19 variant na nadiskubre doon noong Nobyembre.
Nagkabisa naman ang ban sa Brazil at South Africa arrivals, noong February 3.
Ito na ang ika-anim na beses na na-extend ang ban sa British arrivals.
Ang iba pang mga bansa sa Europa ay nagpatupad din ng kaparehong ban mula sa tatlong nabanggit na mga bansa, dahil sa pangamba na ang bagong variants ay mas mabilis na kumalat o may taglay na mutations para hindi tablan ng epekto ng bakuna.
Simula noong February 22, lahat ng pasaherong dumarating sa Spain galing Brazil o South Africa, ay inoobligang sumailalim sa 10 araw na compulsory quarantine, o pito kung makapagpapakita sila ng negative test result.
Nitong Marso 8 ito ay ipinatupad na rin sa mga dumarating galing sa sampu pang mga bansa na kinabibilangan ng Colombia at Peru, kung saan mayroong community transmission ng Brazilian strain; ng Botswana, Cameroon, Ghana, Kenya, Mozambique, Tanzania, Zambia at Zimbabwe kung saan mayroon namang transmission ng South African strain.
Ang Spain ay grabeng tinamaan ng pandemya, kung saan nakapagtala ito ng higit 71,000 namatay mula sa higit 3.1 milyong kaso nila ng COVID-19.
© Agence France-Presse