Lt. General Antonio Parlade, ipinasisibak bilang Spokesman ng anti insurgency task force
Ipinasisibak ng Senado si Lt. General Antonio Parlade bilang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict O Anti Insurgency task force.
Ang rekomendasyon ng Senado ay nakapaloob sa report ng Senate defense committee kaugnay ng ginawang imbestigasyon sa red tagging ng militar sa ilang personalidad na iniuugnay sa CPP NPA NDF.
Sa report ng Senado , labag raw sa batas ang pagkakatalaga kay Parlade.
Tinukoy ng Chairman ng komite na si Senator Ping Lacson ang article 16, section 5 ng saligang batas na mahigpit na nagbabawal sa pagtatalaga ng sinumang aktibong tauhan o opisyal ng militar sa isang civilian position sa anumang sangay ng gobyerno kabilang na ang government owned and cotrolled corporation.
Si Parlade kasi ang kasalukuyang commander ng AFP Southern Luzon Command.
Maari rin umanong may conflict of interest dahil si Parlade ay humahawak ng dalawang magkaibang posisyon.
Meanne Corvera