Kaso ng COVID-19 sa SJDM, Bulacan, higit na sa 2,000
Umakyat na sa 2,005 ang kaso ng Covid-19 sa San Jose Del Monte City, Bulacan.
Ito’y matapos makapagtala ng panibagong 23 kaso sa lunsod kahapon, March 11.
Naitala sa 111 ang mga active cases sa lunsod kung saan 88 rito ay mula sa District 1 at 23 naman ay mula sa District 2.
Patuloy ang paalala ng Pamahalaang Panglunsod sa mga residente na sumunod sa mga minimum health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at pagpapanaitli ng physical distancing at palagiang paghuhugas ng kamay.
Bawal pa ring lumabas ng bahay ang mga nasa edad 15 pababa gayundin ang mga Senior Citizens na nasa 65-anyos pataas.
Samantala, nakapagtala naman ng limang mga nakarekober sa Covid-19 sa lunsod.
Kaya sa kabuuan ay may 1,793 na o 89% ang mga gumaling sa sakit.
Tatlo naman ang naitalang panibagong COVID-19 deaths, kaya sa kabuuan ay may 101 o 5% na ang naiatlang mga pumanaw dahil sa nasabing sakit.
Ces Rodil, EBC Correspondent