Pet lover ba kayo? Trip n’yo bang alagaan ‘yung tulad ng  pusa, aso at ibon? Baka naman kayo  ‘yun tipong masaya  na pinagmamasdan lamang ang pagkilos at ang makukulay nitong katawan gaya ng isda habang nakalagay sa aquarium. Sumagi na ba sa isip ninyo kung nalulunod ba ang isda?

Pero bago yan paano ba humihinga ang isda kung wala silang baga? Ang paliwanag ni Diuvs de Jesus, isang marine scientist, ang isda ay may hasang o gills.  Sa pamamagitan ng hasang humihinga ang mga isda.Kumukuha ng tubig ang isda gamit ang kanilang bibig at dumadaan sa kanilang gills upang makakuha ng oxygen.

Sa tanong na kung ang isda ay nalulunod? By definition ng drowning hindi ka makahihinga pag nalubog ka sa tubig at mapapasukan ng tubig ang baga mo, ang isda ay walang baga so technically, hindi siya nalulunod. 

Ang isda ay nalulunod kapag walang sapat na oxygen. By definition its more on suffocation kesa pagkalunod.  Ito ay madalas na mangyari sa overpopulated water o fish tank na walang running filtration.

Ilan sa sanhi ng mababang oxygen level sa fish tanks ay tulad ng live plants partikular sa madilim na tangke, mababang light levels, sobrang dumi ng tubig madali kasing dumumi ang tubig dahil sa pagkaing ibinibigay sa isda, ilang kemikal at elevated water temperature.

Kung pag-uusapan ang natural cause ng mababang oxygen levels, ang isang halimbawa  ay ang pagdami ng algae, nagiging sanhi ito ng mabilis na pagbagsak ng oxygen levels. Kapag namatay ang algae at nadecompose, ang ganitong proseso ay kumokunsumo ng dissolved oxygen at bumababa ang available oxygen at may negatibong epekto sa aquatic life.

Panghuli, ang sobrang oxygen intake ay maaring maging sanhi din ng pagkamatay ng isda o fish kill. Kung maalala natin noong nakaraan taon may mga balita tungkol sa fish kill. Ang ilan sa dahilan na tinitingnan ng mga otoridad ay ang nabanggit sa itaas. Kailangang balanse ang intake ng oxygen at hydrogen upang maka-survive sa biglaang exposure sa high level of oxygen.

Marami pa tayong dapat matutunan tungkol sa aquatic life, pero sa ngayon mainam na tumulong tayo to save ocean..save creatures..save mankind!

Please follow and like us: