Mga establisyimento sa Maynila, pinaiinspeksyon ni Mayor Isko Moreno
Bilang bahagi ng kanilang pinaigting na kampanya kontra COVID- 19, pinaiinspeksyon ni Manila Mayor Isko Moreno ang lahat ng establisyimento sa Lungsod.
Partikular na inatasan ng alkalde si Bureau of Permits Chief Levi Facundo para tiyakin na lahat ng establisyimento sa Maynila ay sinusunod sa Health protocols.
Matatandaang maging ang Department of Health at Department of Labor and Employment ay nag abiso sa mga establisyimento na tiyaking may sapat na bentilasyon para maiwasan ang transmission ng virus.
Maging sa mga palengke sa Lungsod ipinag-utos ni Mayor Isko na ipatupad ang one entry one exit policy.
Layon nitong makontrol ang daloy ng mga tao sa mga palengke upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID- 19.
Una rito, nagpatawag ng emergency meeting si Mayor Isko sa mga department head sa Lungsod para sa COVID- 19 Response.
Ipinag-utos rin ng alkalde ang pagpapatupad ng 30% working capacity lamang sa mga tanggapan sa Manila City Hall.
Madz Moratillo