Mahigit 9,000 pulis, ipinakalat sa mga checkpoint sa Metro Manila para sa Unified curfew
Mahigit 9,000 tauhan ng Philippine National Police ang itinalaga sa Metro Manila para sa pagpapatupad ng Unified curfew ngayong araw.
Nasa 300 checkpoints sa buong Kamaynilaan ang ipinuwesto upang magbigay paalala at magbantay sa mga hindi sumusunod sa mga health protocol.
Samantala, nagpaalala si DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa mga nagtatrabaho ng night shift na laging dalhin ang kanilang Identification card (ID’s) bilang patunay na sila ay pinapayagang lumabas sa ilalim ng curfew hours.
Please follow and like us: