Pensyon ng mga Senior Citizen, ipinapanukalang ibigay tuwing ikatlong buwan
Ipinanukala ni Senador Risa Hontiveros na gawing tuwing ikatlong buwan o Quarterly ang pagbibigay ng Social Pension sa mga Senior Citizen.
Sa kasalukuyan kasi na sistema, dalawang beses lamang kada taon ang pagbibigay ng pensyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga nakatatanda.
Aabot sa 3,000 piso ang pensyon tuwing ika-anim na buwan o katumbas ng 500 piso kada buwan.
Pero ayon sa Senador dahil sa Pandemya, mas dumami pa ang Senior Citizens na kinakapos kaya makatutulong ang pondo para may maipambili ng mga pagkain at gamot.
Sa kaniyang Senate Resolution No. 679, nais ng Senador na baguhin ang Memorandum Circular 004 na inilabas ng DSWD noong 2009 kung saan ipinag-utos na ibigay ang pensyon tuwing ika-anim na buwan,
Meanne Corvera