50 driver natiketan sa ginawang operasyon ng Inter Agency Council for Traffic sa Maynila
Kasunod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, doble kayod ngayon ang Inter Agency Council for Traffic para matiyak na sumusunod sa Health protocols ang mga pamublikong sasakyan.
Ngayong araw, muling nagsagawa ng operasyon ang IACT sa Maynila kung saan may mga nasita paring ilang pampublikong sasakyan na hindi sumusunod sa health protocols kontra COVID-19.
Ang ilang pampasaherong jeep hinarang, ang ibang pasahero kasi walang suot na face mask o face shield.
May mga jeep na siksikan din sa loob na labag sa pinaiiral na physical distancing.
Ayon sa IACT, nasa humigit-kumulang 50 na driver ang kanilang natiketan.
Aabot sa P2,000 ang multa sa unang offense o paglabag, at P3,000 at P5,000 sa ikalawa at ikatlong offense.
Giit ng IACT, kailangan sumunod ang lahat sa panuntunan at mga pag-iingat kontra COVID-19.
Ayon sa IACT, araw-araw silang magsasagawa ng operasyon para masigurong lahat ay susunod lalo na at kritikal umano ang transportasyon sa gitnang ito nagpapatuloy pang pandemya.
Madz Moratillo