4,437 bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH
Eksaktong isang taon na mula nang sinimulang ipatupad sa buong bansa ang community quarantine dahil sa pandemya ng COVID-19, subalit nananatiling mataas ang bilang ng nagpopositibo sa nasabing sakit bawat araw.
Sa araw na ito, Marso 16, 2021, nakapagtala ng 4,437 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang Department of Health.
Karagdagang 166 naman ang naitalang gumaling at 11 nadagdag sa bilang ng mga namatay sa COVID-19
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 9.1% (57,736) ang aktibong kaso, 88.8% (560,736) na ang gumaling, at 2.04% (12,848) ang namatay.
Please follow and like us: