DOJ may siyam na aktibong kaso ng COVID-19
Umakyat na sa siyam ang aktibong kaso ng COVID-19 sa DOJ.
Ayon kay Justice Undersecretary at Spokesperson Emmeline Aglipay- Villar, mula sa walong active case noong Martes ay nadagdagan ito ng isa nitong Miyerkules.
Dahil dito, aabot na anya sa 27 ang kabuuang kumpirmadong nahawahan ng virus sa mga kawani ng DOJ mula noong nakaraang taon.
Tiniyak ng opisyal na kanilang binabantayan ang kalagayan ng mga aktibong kaso.
Kinumpirma rin ni Villar na may isang empleyado ang namatay.
Na-admit sa ospital ang kawani dahil sa COVID pero pumanaw ito dahil sa ibang rason.
Moira Encina
Please follow and like us: