Gobyerno pinag-rereport sa datos ng na-babakunahan araw-araw
Iminungkahi ni Senator Ralph Recto na magkaroon ng national seaboard ang nababakunahan na magsisilbing regional speedometers ngayong nagsidatingan na ang mga bakuna.
Ayon kay Recto, dapat may daily report ang pamahalaan kung gaano na kalawak ang nababakunahan, kung ilang tao na ang nagpabakuna at anong mga bakuna ang ginamit.
Dapat nakalagay din aniya dito kung ilang bakuna per Region at anu anong mga edad ng nabakunahan.
Sa pamamagitan aniya ng national scoreboard ay mas masasaayos ang datos ng DOH ang record nito kabilang na ang tally ng mga namatay at mga buhay na naisalba.
Mata-track rin nito ang vaccination volume at velocity sa isang lugar.
Habang magsisilbi rin aniya itong database at backbone ng national vaccine passport information system.
Meanne Corvera