Inilaang pondo ng Gobyerno para sa pagbangon ng ekonomiya, maliit – Sen. Drilon
Isinusulong ng pamahalaan na mapagtibay ang GUIDE Bill o Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises.
Layon nitong maglaan ang mga State-run banks ng 10 bilyong pisong pautang sa mga nanganganib na magsarang kumpanya o negosyo.
Pero ayon kay Senador Franklin Drilon, dapat tingnan ng Gobyerno ang mga prayoridad nito dahil masyado umanong maliit ang nasabing halaga para makabangon ang ekonomiya.
Aaabot aniya sa 1.5 Trilyong piso ang nawala sa ekonomiya sa isang taong Pandemya.
Tinawag pa ni Drilon na isa itong joke dahil halos kalahati lamang ito ng inilaang pondo ng Gobyerno sa Anti-insurgency samantalang ang mga negosyong ito ang itinuturing na driver ng ekonomiya.
Senador Franklin Drilon:
“We should provide more assistance provided there are safeguard. Wag namang 10 Billion lamang, they are generators of economy, provide employment. I repeat 10 Billion that is just 1/2 of Anti in which appropriated with pork after the fund are appropriated”.
Samantala, si Senador Imee Marcos nangangambang wala ring ibang mapagkukunan ng kapital ang mga negosyo lalu na ang mga Micro-small and medium enterprises lalu na ngayong mapapaso na rin ang inaprubahang Bayanihan 1 and 2 kung saan nakapaloob ang ayyuda para sa mga naluging negosyo.
Dahil dito, irerekomenda ng Senado sa Department of Finance na pag-aralang dagdagan ang 10 bilyong pisong pondo.
Meanne Corvera