US, nag-donate ng underwater equipment sa PNP Maritime Group
Nakatanggap ang PNP Maritime Group ng Php3.65-M na halaga ng underwater equipment mula sa US Department of Defense.
Ayon sa US Embassy, ang donasyon ay bahagi ng Underwater Crime Scene Investigation program na pinupondohan ng Estados Unidos mula pa noong 2016.
Ang equipment ay binubuo ng 12 sets ng scuba gear, underwater evidence collection items, at ilang kaugnay na training equipment.
Ang handover ceremony ay isinagawa sa PNP-MG Headquarters sa Camp Crame, Quezon City.
Nagpasalamat si PNP Maritime Group Director John Mitchell Jamili sa patuloy na kooperasyon ng US para mapalawak at mapalakas ang kakayanan ng Pilipinas na maipatupad ang Maritime law.
Moira Encina