Pondo ng OWWA para sa ayuda sa mga OFWs paubos na
Nagpapasaklolo na ang Overseas Workers Welfare Administration sa Senado dahil sa kakulangan ng pondo para sa repatriation ng mga overseas filipino workers
Sa pagdinig ng senado sa panukalang pagbuo ng Department of Overseas Filipino, Inamin ni OWWA administrator Hans Cacdac na halos paubos na ang kanilang budget dahil sa pagtulong sa mga OFWs na umuwi ng bansa dahil sa pandemya sa buong mundo.
Sa Kasalukuyan, aabot na aniya sa 480 thousand ang mga mangagagawang pinoy na nakauwi ng bansa at mayorya sa mga ito nawalan ng trabaho sa ibang bansa.
Bawat isang OFWs na umuwi ng bansa, OWWA ang sumasagot sa gastusin sa kanilang flights, kailangang isa ilalim muna sa quarantine sa mga hotels, ipa -swab at bigyan ng ayuda at inihahatid sa kanilang mga probinsya.
Sumulat na raw sila sa Department of Budget and Management, sa DOLE at Senado para humingi ng supplemental fund.
Meanne Corvera