DOJ muling isasailalim sa lockdown dahil sa mga panibagong kaso ng COVID-19
Naka-lockdown muli ang Department of Justice simula sa Biyernes, March 19 dahil sa mga panibagong kaso ng COVID-19.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, umakyat na sa 17 ang active cases ng COVID sa kagawaran makaraang madagdagan ng pitong kaso.
Dahil dito, muling ipinagutos ni Guevarra ang pagsuspinde sa on-site work sa DOJ.
Magtatagal anya ang lockdown hanggang sa susunod na Martes, March 23.
Work from home muna uli ang mga kawani ng DOJ habang pisikal na sarado ang departamento.
Magtatalaga na lang anya ng skeleton staff para tumanggap ng mga dokumento at magasikaso sa iba pang frontline services ng DOJ.
Moira Encina