Hatid Serbisyo ng Provincial Police Office, matagumpay na naisagawa sa Misamis Oriental
Naging matagumpay ang isinagawang Hatid Serbisyo sa Barangay Bunal, Salay, Misamis Oriental, na kabilang sa Geographically Isolated and Disadvantage Areas sa lalawigan.
Pinangunahan ito ng Misamis Oriental Provincial Police Office o MORPPO, sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Raniel M. Valones, acting Provincial Director katuwang ang Salay Municipal Police Station o MPS, na pinamumunuan ni Police Major Lemuel S. Sabanal, Chief of Police.
Sa naturang aktibidad na bahagi ng End Local Communist Armed Conflict o ELCAC ay namahagi ng food packs, tsinelas, school supplies at facemask.
Nilahukan ito ng Anti Crime Community Emergency Response Team Mindanao na isang non-government Organization.
Kaugnay nito ay may isinagawa ring iba’t-ibang aktibidad tulad ng:
*Philippine National Police Help Desk, Overseas Filipino Worker Desk, Provincial Internal Affairs Service Help Desk at Armed Forces of the Philippines Help Desk para magserbisyo sa mga reklamo at katanungan ng mga tao
* “Libreng Gupit, Handog ni Mamang Pulis” na ang nakabenepisyo ay ang mga kalalakihan at mga bata sa komunidad
*tree planting na nilahukan ng mga personnel mula sa MORPPO, Salay MPS, 58TH Infantry Batallion Philippine Army, 1001st Mobile Company, Regional Mobile Force Batallion Region 10, 1st Provincial Mobile Force Company-Mis Or, Municipal Environment and Natural Resources Office-Salay, Local Government Unit ng Salay, MisOr Provincial Explosive Ordinance Disposal and Canine Unit at Karancho-Salay Chapter
*may kumuha ng blood pressure sa mga nais malaman ang kanilang BP
*feeding, pamimigay ng ice cream at snacks sa mga bata
*demonstration at lecture sa Anti-Illegal Drugs at CARE hinggil sa Covid 19 na ang nagbahagi ay mga personnel mula sa Salay MPS
*lecture hinggil sa Knowing The Enemy at ELCAC na tinalakay ni 1LT Eric C. Buyan, 58th IB Commanding Officer ng Charlie Company
*lecture sa Bomb Awareness na tinalakay ni PLT Franquilino B. Linda, Team leader ng Mis Or Provincial Explosive Ordinance Disposal and Canine Unit
*pamamahagi ng Keychain na may Hotline Numbers at Fliers o Leaflets
*information awareness sa mga kabataan sa pamamagitan ng Mobile Library ng 1st Provincial Mobile Force Company Misamis Oriental katuwang ang 1001st Regional Mobile Force Batallion na “Titser Pulis”.
Ang mga nabanggit na aktibidad ay sinuportahan ng lokal na pamahalaan ng Salay, sa pamumuno ni Mayor Angelo Capistrano, Jr.
Nagpasalamat naman ang barangay council ng Bunal sa pamumuno ni Punong Barangay Hernando P. Gabutan, sa tulong na natanggap para sa mga tao na naninirahan sa kanilang komunidad.
Ulat ni Laura Pobadora