Mas mahigpit na GCQ, ipatutupad sa NCR, Cavite, Laguna, Rizal, at Bulacan
Magpapatupad ng mga karagdagang restrictions ang pamahalaan sa mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, at Metro Manila simula Lunes, Marso 22, 2021.
Batay ito sa Inter Agency Task Force (IATF) resolution number 104 na pinagtibay ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglalagay sa mga nasabing lugar sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Ang Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ay dating nasa ilalim ng mas maluwag na Modified General Community Quarantine (MGCQ) habang ang Metro Manila ay dati nang nasa ilalim ng GCQ.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magiging isang “bubble area” ang mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, at Metro Manila, kung saan ay bawal pumasok ang mga taga ibang lalawigan. Hindi rin maaaring lumabas ng “bubble area” ang mga residente nito maliban sa mga Authorized Persons Outside their Residences (APOR) tulad ng mga sumusunod:
essential worker na kailangan lamang magpakita ng kanilang work ID,
health and emergency frontline services personnel,
government officials at government frontline personnel,
duly-authorized humanitarian asistance actors,
persons traveling for medical or humanitarianreasons,
persons going to the airport for travel abroad,
anyone crossing zones for work or business and going back home,
returning overseas Filipinos,
at returning Overseas Filipino Workers.
Sa kabila nito, hindi babawasan ang bilang ng mga bumibiyaheng pampublikong sasakyan, subalit hinihikayat ang publiko na mag-bisikleta at maglakad.
Mahigpit na ipatutupad sa public transportation ang pagsusuot ng face mask at face shields, bawal magsalita, bawal tumawag at tumanggap ng tawag sa cellphone, bawal kumain, bawal sumakay ang may sintomas ng COVID-19, at kailangang sundin ang physical distancing.
Bawal na rin ang lahat ng mass at public gatherings kasama ang religious gatherings, habang ang kasal, baptisms at funeral services ay limitado na lamang sa sampung katao ang maaaring dumalo.
Mananatili namang bukas ang lahat ng industriya subalit hindi dapat magsagawa ng face-to-face meetings, sama-samang pagkain sa workplace, habang hinihikayat ang work-from-home set-up at virtual meetings. Mahigpit ring ipatutupad ang minimum public health standards sa mga opisina.
Hinihikayat rin ang pribadong sektor na hanggat maaari ay limitahan ang operasyon sa 30% hanggang 50% ng operational o on-site capacity.
Samantala, bagamat bukas pa rin ang mga restaurant at iba pang kainan, outdoor-dining lamang ang papayagan hanggang 50% capacity, bawal ang dine-in o indoor-dining at hinihikayat na lamang ang publiko na magpa-deliver at mag take-out.
Mananatili ang pagpapatupad ng curfew mula 10:00PM hanggang 5:00AM.
Kailangan namang manatili sa bahay ang sinumang ang edad ay wala pang 18 years old at ang higit sa 65 years old, pati na ang mga taong may panganib sa kalusugan o may mga karamdaman kasama na ang mga buntis.
Ipinapayo naman ang pagsusuot ng facemask sa loob ng bahay lalo na kung may kasamang matatanda o maysakit, at huwag munang tumanggap ng bisita.
Suspendido rin ang operasyon ng mga driving school, sinehan, game arcades, library, archive, museum, at cultural center.
Bawal rin ang cockfighting at cockpit operations kahit sa MGCQ areas.
Bukod sa mga nabanggit na karagdagang restriction, ang iba pang probisyon na dati nang ipinatutupad sa ilalim ng GCQ protocols ay patuloy pa ring ipatutupad sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavita at Laguna.