Kauna-unahang tweet, 15 taon na ngayon
SAN FRANCISCO, United States (AFP) – Labinglimang taon na ang nakalilipas nang i-type ni Jack Dorsey ang mensaheng “just setting up my twttr,” na siyang nagging kauna-unahang tweet, na naglunsad sa global platform na nagging isang kontrobersyal at dominant force sa civil society.
Ang maiksing tweet noong March 21, 2006 ng Twitter CEO ay ipinagbibili ngayon sa auction, na ang bidding ay umabot na sa $2.5 million.
Matatandaan na dinelete ng naturang social network nitong January, ang account ni dating US President Donald Trump, matapos isisi sa kaniya ang marahas na insureksyon sa US Capitol ng kaniyang extremist supporters, na nais baligtarin ang pagkatalo nito sa halalan.
Ang pag ban kay Trump ay kapwa tinanggap at binatikos ng netizens.
Ang bidding para sa tweet ni Dorsey na ibinibenta bilang NFT, o non-fungible token, ay natapos na nitong Linggo.
Ayon kay Dorsey, ido-donate nya ang pondo sa charity.
Ang NFT ay gumagamit ng kaparehong blockchain technology na nasa likod ng cryptocurrencies, para ang alinmang bagay mula sa sining hanggang sa sports trading cards ay maging virtual collector’s items na hindi pwedeg i-duplicate.
© Agence France-Presse