Ilan pang malalaking ospital sa bansa, nag-anunsyong hindi muna tatanggap ng mga pasyente ng Covid-19
Ilan pang malalaking hospital institution sa Pilipinas ang nag-anunsyong hindi muna tatanggap ng mga Covid-19 patients.
Ito ay dahil sa umabot na sa full capacity ang kanilang mga alloted bed para sa mga pasyente na tinatamaan ng Covid-19.
Kabilang sa mga nag-anunsyo ay ang St. Luke’s medical center sa Fort Bonifacio Global city sa Taguig, Asian Hospital and Medical center at ang The Medical City sa Ortigas Avenue, Pasig.
Pero ayon sa kani-kanilang mga advisory, patuloy pa naman silang tatanggap ng mga pasyenteng may ibang karamdaman at nananatiling bukas ang kanilang Inpatient at Outpatient Department, maging ang kanilang Online at E-consult appointments.