Senado, mananatiling naka-lockdown hanggang Abril 5
Mananatiling naka-lockdown ang Senado hanggang sa April 5 dahil sa patuloy na banta ng Pandemya ng Covid-19.
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na pinapayagang hindi muna mag-report ang mga empleyado hanggang matapos ang Lenten break.
Pagsapit aniya ng April 5 ay saka sila magdedesisyon na magpatupad ng skeletal force.
Sa ngayon aabot sa 24 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa Senado.
Meanne Corvera
Please follow and like us: