Pagdinig ng Senado sa umano’y ‘Tongpats” sa importasyon ng baboy, itinakda sa Abril 6
Magko-convene na ang Senado bilang Committee of the Whole para busisiin ang alegasyon ng “Tongpats” o anomalya sa mga inaangkat na karneng baboy ng Department of Agriculture.
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na itinakda na ang pagdinig sa April 6 kung saan ipatatawag ang mga opisyal ng DA, Bureau of Customs at iba pang sangay ng Gobyerno na may kinalaman sa importasyon.
Batay ito sa inihaing Senate Resolution no. 685 ni Senador Panfilo Lacson na humihiling na suriin ang nangyayaring Tongpats scheme at Technical smuggling.
Sa alegasyon ni Lacson, nangyayari umano ang patong o dagdag na presyo na 5 hanggang 7 piso kada kilo sa mga inaangkat na imported meat.
Ang importasyon kasi ng karneng baboy ang isa sa inilatag na solusyon ng DA sa epekto ng African Swine Fever para magkaroon ng mas maraming suplay sa merkado.
SP Vicente Sotto:
“Itong hearing, hindi lang para sabihin sa executive department na ganito yung sitwasyon,”
“Ito baka ma-uncover na yung mga nangyayaring milagro sa Department of Agriculture at sinong mga nasa likod nito. Kailangang nalalaman ng taumbayan kung sinu-sino ang mga nasa likod niyan nito maramiing epal“.
Meanne Corvera