Phil. Genome Center, makapagpoproseso na uli ng mga Swab sample ngayong linggo
Tiniyak ng Department of Health (DOH) na muling makakabalik na sa normal na bilang ng naipoproseso sa sequencing ang Philippine Genome Center.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, dumating na ang mga materyales na ginagamit ng PGC para sa sequencing ng mga swab sample.
Matatandaang nitong nakaraaang linggo ay nasa 150 samples lamang ang mga naisalang sa sequencing ng PGC.
Dahil rito, nagkaroon aniya sila ng prioritization at pinili lang ang mga maisasalang sa sequencing.
Pero simula ngayong linggo ay makababalik na aniya muli sa 750 samples ang kayang maproseso ng PGC.
Sa pamamagitan ng Genome sequencing ay natutukoy ang mga Variant ng covid 19 na mayroon sa isang swab specimen.
Pero nilinaw ng DOH na hindi lahat ng swab sample ay pwedeng isalang sa sequencing.
Kailangan kasi aniya na mataas ang CT value sa isang sample o ang viral load nito.
Madz Moratillo